Tagalog Let Us Pray (Manalangin Tayo)
Tagalog Let Us Pray (Manalangin Tayo)
Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhay mag-uli. Ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilay-nilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na halimbawang nalalarawan sa amin; kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristo Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.
Comments
Post a Comment